Let’s Talk About TRANSLATION

This previous semester we had our major subject by the descriptive title, “Translation and Editing Text”. Obviously, we’re gonna translate Filipino texts into English and vice versa (and it presupposes that you’re gonna edit your work that’s why there’s “EDITING Text” part in the subject title. hehehe) and Of course our final output is to have a portfolio of translations of different literary forms – from poetry to prose to TV scripts and all that. One short story I find very interesting is the work of my classmate, Hills Like White Elephants by Ernest Hemingway, when she translated it into BUNDOK NA TULAD NG PUTING ELEPANTE.  I liked it so much because she was able to maintain both the figurative meaning of the whole story without explicitly telling it – while possessing the style of the translator herself. For the rest of it, you just read on her full translation. Thanks Chame! Mwuaaah!

BUNDOK NA TULAD NG PUTING ELEPANTE

Halos puti ang nababanaag sa kahabaan ng mga bulubunduking nakalatag sa Ebro. Samantalang sa kabilang dako nito ay walang lilim na mga puno habang ang istasyon ng tren ay nakatayo sa pagitan ng dalawang riles sa ilalim na nagmumula sa isang gusali na may kurtinang gawa sa tali na may maliliit na piraso ng kawayan na siyang nakabitin sa bukas na pinto ng barikan. Ang dayuhan at ang babaeng kasama niya ay umupo sa mesa na nalilimliman sa labas ng gusali. Sadyang napaka-init at ang tren na magmumula sa Barcelona ay darating sa loob ng apat na pung minuto. Titigil ito sa istasyon nang may dalawang minuto at pagkatapos ay magtutungo na sa Madrid.

“Anong iinumin natin?” tanong ng babae sabay alis ng kanyang sombrero at ipinatong sa mesa.

“Masyadong mainit”, wika ng lalaki

“Uminom tayo ng alak”.

“Dalawang serbesa”, sabi ng lalaki na nakatuon sa may kurtina.

“Malaki?” tanong ng matabang babae sa mula sa pintuang daan ng gusali.

`           “Oo. Dalawang malaki”

Naglabas ang babae ng dalawang baso ng alak at patungan. Inilapag niya sa mesa ang patungan at ang alak at tiningnan ang lalaki at ang babaeng kasama nito na nakatingin sa mga bundok. Ang mga ito’y kulay puti sa ilalim ng init ng araw na napaliligiran ng tila tuyong tsokolate.

“Mukha silang mga putting elepante”, sabi niya.

“Hindi pa ako nakakakita ng ganun”, sabi ng lalaki habang umiinom ng serbesa.

“Hindi ka makakakita nun”

“Maari akong makakita”, wika ng lalaki. “ang pagsasabi mo na hindi ako makakakita nito ay hindi nagpapatunay ng kahit na ano”.

Tumingin ang babae sa kurtina. “may nakasulat doon”, sabi niya “ano ang sinasabi?”

“Anis del toro. Isa itong inumin”

“Maari ba nating subukan?”

Tumawag ang lalaki sa may kurtina. Lumabas ang babae mula sa barikan.

“Apat na riyales”

“Gusto naming ng dalawang anis del toro”

“May tubig?”

“Gusto mo bang may tubig?”

“Hindi ko alam,” sabi ng babae. “mas masarap kaya pag may tubig?”

“hmmm, ayos lang”

“Ito’y lasang licorice”, sabi ng babae sabay lapag ng kanyang baso.

“Parang nasa akin ang lahat”.

“Oo… lahat ay lasang licorice”, sambit pa ng babae. “Lalo na ang mga bagay na matagal mo ng hinihintay, tulad ng absinthe”.

“O, putulin na natin ang usapang ito”.

“Natuwa ako’t nagkaroon ako ng ganitong oras”.

“Mabuti naman, subukan nating maging Masaya ang mga sandaling ito”.

“Tama! Subukan natin. Gaya nitong mga bagay na nakikita ko ay walang kulay. Hindi bay un kakaiba?”

“Kakaiba?”

“Walang kulay”

“Ang alin?”

“Gusto kong tikman ang mga bagong inumin. Yan naman ang ggwin natin, ‘d ba — sulyapan mo ulit ang mga bagay sa paligid natin at tikman ang bagong inumin”.

“Parang gusto ko”.

Muli, tinanaw ng babae ang kabundukan.

“Napaka-ganda nila”, sabi niya. “Sa tingin ko, makukulay sila”.

“Gusto mo pa bang uminom?”

“Tama na”

May umihip na malamig na hangin sa kurtina malapit sa mesa

“Sarap mag-beer” sabi ng lalaki

“Napakasarap”, sabi ng babae

“Ito’y napaka-simpleng operasyon lang, Jig”, sabi ng lalaki. “hindi naman talaga operasyon na matatawag”

Tiningnan ng babae ang mga paa ng mesa

“Alam ko balewala sa iyo ang mga iyon, Jig. Parang hangin lang ang pumasok sa iyo”.

“Anong gagawin natin pagkatapos?”

“Iyan lamang ang bagay na nagpapahirap sa atin. ‘yan din ang dahilan kuung bakit hindi tayo nagiging masaya”.

Tiningnan ng babae ang mga kurtina at humawak sa mga tali na nakakabit dito

“At sa tingin mo maagiging madali lang ang lahat at magiging masaya tayo?”

“Alam kong magiging masaya tayo at wala kang dapat ikatakot. Marami akong kakilala na dumaan sa ganun”

“Dapat ko rin bang pagdaanan yun? At pagkatapos naging masaya ba sila?”

“Oo”, sabi ng lalaki. “Ayaw kitang pilitin sa isang bagay na ayaw mong gawin, pero alam kong ito’y napaka-dali lang”

“ikaw, Gusto mo ba?”

“Siguro ito na yata ang mabuting paraan. Pero ayokong pilitin ka kung hindi mo gusto ito”

“At pag ginawa ko iyon magiging masaya ka’t mamahalin mo ako?”

“Mahal kita, alam mong mahal kita”.

“Alam ko. Pag ginawa ko iyon magiging maayos ang lahat”.

“Pag sinabi kong wala ng halaga ito, matutuwa ka?”

“Gusto ko iyon, gusto ko iyon ngayon”.

“Hindi na ako mag-aalala tungkol dun’ dahil alam kong magiging madali ang lahat”

“Gagawin ko iyon dahil wala na akong pakialam sa sarili ko”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wala na akong pakialam sa sarili ko”

“Nag-aalala ako sa sa’yo”

“O tama. Wala akong pakialam sa sarili ko. Gagawin ko iyon para maging maayos ang lahat”.

“Ayokong gawin mo ang isang bagay na di mo gusto”

Tumayo ang babae at lumakad hanggang sa dulo ng istasyon natanaw niya sa kabilang dako ang mga palay at punong-kahoy, sa may ilog ng Ebro. Sa kalawakan ng ilog naron ang mga bundok. Ang anino ng mga ulap ay gumagalaw pabalang sa gitna ng palayan at nakita niyang muli ang ilog kalapit ng mga puno.

“At magiging atin ang lahat”, sabi ng babae. “Magiging atin ang lahat at marami tayong magagawang bagay na imposible sa bawat araw”

“Anong sinabi mo?”

“Sabi ko, magiging atin ang lahat”

“Oo, magiging atin ang lahat”

“Hindi”

“Magiging atin ang buong mundo”

“Hindi”

“Makararating tayo kahit saan”.

“Hindi! Hindi magiging atin kailanman”

“Atin ang lahat”

“Pag nawala ‘to hindi mo na maibabalik pa”

“Pero hindi pa ito nawala”

“Tingnan natin”

“Halika na, sabi niya. “Hindi ka dapat mag-isip ng ganun”

“Hindi ako natatakot kailanman”, sani ng babae. “Gusto ko lang maunawaan ang mga bagay-bagay”

“Ayaw kong pilitin ka sa mga bagay na di mo gusto”.

“Napag-isip-isip ko”, sabi ng babae “pwede bang tigilan na natin ito?”

Umupo sila pareho at tuminging muli ng babae sa pagitan ng mga bundok at tumingin ang lalaki sa kanya.

“Dapat mong maunawaan”, sambit ng lalaki, “na ayokong gawin mo iyon kung hindi mo gusto”

“Wala bang ibig sabihin sa iyo iyon?”

“Ikaw lang ang gusto ko, wala ng iba pa. at alam kong ito’y napaka-daling gawin”.

“Oo, alam mong madali lang ito”.

“Okay lang na sabihin mo ‘yan, alam ko ‘yon”

“Meron ka pa bang gusting gawin para sa akin ngayon?”

“Gagawin ko ang lahat para sa iyo”

“Pwede bang tumigil ka? Tumigil, tumigil, tumigil, tumigil, tumigil ka na!”

Walang nasambit ang lalaki. Tiningnan na lamang nya ang bag na naroon sa istasyon.

“Ayoko nang gawin mo”, saad niya “Ayoko nang isipin ang mga bagay na ‘yan”

`           “Sisigaw ako” sabi ng babae

Lumabas ang matabang babae galling sa kurtina na may dalang dalawang basong beer. Inilapag “Dadaan na ang tren mga limang minuto” saad ng serbidora

“Ano ang sinabi niya?” tanong ng babae

“Ang tren ay darating na”

Ngumiti siya sa serbidora upang magpasalamat sa kanya

“Mas maigi pang bitbitin ko na ang mga bagahe natin,” sabi ng lalaki

“Bumalik ka rito. Tapusin na natin itong beer natin”.

Kinuha ng lalaki ang dalawang mabibigat na bagahe at dinala sa kabilang istasyon. Tumingala siya pero di nya maulinigan ang tren. Lumakad siya pabalik tungo sa barikan. Lahat ng taong naghihintay ay umiinom. Lahat sila’y talagang naghihintay ng tren. Lumabas sila mula sa kurtina. Nakita niya ang babae nakaupo at nakangiti sa kanya.

“Magaan na ba ang pakiramdam mo?” tanong ng lalaki

“Magaan na ang pakiramdam ko” tugon ng babae. “Wala namang problema sa akin.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s